"Two or three more fights” -- Pacquiao

GENERAL SANTOS CITY (AFP) – Madilim ang kapaligiran at walang patid ang pag-ulan. Sa gitna nang nagbabadyang sama ng panahon, matiyaga at puno nang pagmamahal at malasakit ang mamamayan ng General Santos City para ipagkaloob ang ‘hero’s welcome’ sa kanilang pinakapipitagang kababayan – Manny Pacquiao.

SUMALUDO si newly-crowned World Boxing Association (WBA) welterweight champion Manny Pacquiao habang dumaraan sa military line sa kanyang pagdating sa General Santo City mula sa matagumpay na kampanya sa Kuala Lumpur, Malaysia. (MP PROMOTION)

SUMALUDO si newly-crowned World Boxing Association (WBA) welterweight champion Manny Pacquiao habang dumaraan sa military line sa kanyang pagdating sa General Santo City mula sa matagumpay na kampanya sa Kuala Lumpur, Malaysia. (MP PROMOTION)

Nagbalik-bayan ang Pambansang Kamao kahapon na isa uling ganap na kampeon matapos gapiin via 7th round TKO ang Argentino na si Lucas Matthysse para maagaw ang World Boxing Association (Regular) welterweight title nitong Linggo sa Kuala lumpur, Malaysia.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“I’m a diehard fan of the senator (Tagahanga po ako ni Senator). As you can see, I brought my baby along because I wanted to see a man who had made the Philippines proud (Isinama ko ang anak ko dahil gusto kong makita niya ang tao na nagbigay ng dangal at karangalan sa bansa),” pahayag ni Bayra Malagat, isa sa matiyagang nag-abang sa pagdating ng eight-division world champion.

“We’re here to see Manny. Hopefully we get a glimpse of him and get a photo, hopefully,” sambit ni Cieran Fox, isang Irishman na nakabase sa Pilipinas.

Tulad ng inaasahan, walang patid ang papuri at pagdakila ng sambayanang Pinoy sa butihing Senator na muling nagwagayway ng bandila ng bansa sa international boxing arena.

Nakamit ni Pacquiao ang kabuuang 12 world titles sa walong dibisyon sa kabuuang 69 professional fights, tampok ang 60 panalo.

Sa edad na 39-anyos, pinatunayan ni Pacquiao na may angas pa ang kanyang mga kamao. At sa kabila ng panawagan ng kanyang pamilya at kaibigan, kabilang na ang Pangulong Rodrigo Duterte, na panahon na para isabit ang kanyang gloves, nanatiling matatag ang paninindigan ni Pacman na muling lumaban.

“Two or three more fights,” pahayag ni Pacquiao sa media interview.

Walong world-class fighters ang nakahanay sa kanyang daraanan, ngunit partikular niyang binanggit na nais makasagupa sina Terence Crawford, Vasyl Lomachenko at Floyd Mayweather, Jr.

“I feel good for now. Boxing is my passion and I would be lonely if I quit boxing,” pahayag ni Pacquio.

“I believe I still have two or three fights left in me.”

Ngayon, pa man, nakaukit na ang pangalan ni Pacquiao sa Hall-of Fame biloang tanging fighter sa mundo na nakapanalo ng world title sa walong dibisyon.

Ang panalo kay Matthysse ang unang TKO win ni Pacquio sa nakalipas na dekada, sapat para mangibabaw ang pagnanais na muling magbalik sa ibabaw ng lona at iantala ang pagreretiro.

Higit at kung magbabalik-aksiyon din ang karibal niyang si Mayweather, nagwagi sa kanilang ‘Fight of the Century’ match via decision noong 2015.

“If Mayweather comes back to boxing there is a possibility of a rematch,” aniya.

“But there are many other challenges, like Crawford, Lomachenko, Amir Khan and many others,” sambit ni Pacquiao.

Wala ring talo ang American na si Crawford na huling nagwagi kay Horn sa kanilang WBO welterweight title nitong Hunyo, habang si Lomachenko ang kasalukuyang WBA super world lightweight title.

Matibay ding contender sa 147-pound welterweight limit sina Keith Thurman, Errol Spence, Terence Crawford, Danny Garcia, Amir Khan, Adrien Broner, Shawn Porter at Jeff Horn.

Ngunit, kailangang munang maghintay ang lahat dahil balik trabaho sa Senado si Pacquiao ilang araw matapos ang bakasyon kasama ang pamilya.