PINASALAMATAN ni Pangulong Duterte si Senator Manny Pacquiao sa panibagong karangalang ibinigay ng huli sa bansa nang gapiin ang Argentinian na si Lucas Matthysse para angkinin ang WBA welterweight title sa Kuala Lumpur, Malaysia, kahapon.

“I would like to congratulate Senator Manny Pacquiao for giving us pride and bringing the Filipino nation together once more,” pahayag ni Duterte, na personal na nanood ng laban sa ring side, kasama si Malaysian Prime Minister Mahathir Mohammad. “Daghang salamat, Manny! You are truly the People’s Champ!”

Ayon kay Duterte, pinatunayan ni Pacquiao ang katatagan at abilidad na tinatangi ng boxing fans sa mundo.

“You have proven time and again that you are not just a public servant, but one of the greatest boxers of all time,” aniya.

Carlos Yulo, flinex luxury car sa bakasyon nila ni Chloe

“This win will surely cement, yet again, your position and legacy in boxing’s Hall of Fame.”

Umaasa si Duterte na mananatiling inspirasyon si Pacquiao, isa sa pinakamalapit na supporter ng Pangulo sa Senado, ng mga Pilipino.

“May you continue to inspire Filipinos not only in boxing but also in the public service,” pahayag ni Duterte.

Nagtungo si Duterte sa Kuala Lumpur para personal na panoorin ang laban ni Pacman at makipagpulong sa bagong halal na Prime Minister ng Malaysia na si Mahathir.

Sa post-match interview, pinasalamatan din ni Pacquiao si Duterte sa suportang ibinigay sa kanyang laban.

“We have a good president,” sambit ni Pacquiao, na sinalubong ng hiyawan mula sa crowd at sa mga kasamang nasa ibabaw ng lona, kabilang si Bureau of Corrections chief Ronald Dela Rosa.

Nagpahatid din ng pagbati ang Malacañang sa unang knockout win ni Pacquiao sa nakalipas na isang dekada.

“With Senator Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao’s victory against Lucas Matthysse for the WBA welterweight belt, the Palace is one with the Filipino people in celebrating this tremendous feat,” pahayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque,

“We thank our Pambansang Kamao for not only bringing honor and glory to our flag and country but once again uniting Filipinos here and abroad with his display of courage, tenacity and will power,” aniya.

“Mabuhay ka, Manny! Mabuhay ang Pilipinas!”

-ARGYLL CYRUS B. GEDUCOS