MATAPOS magpadala sa silakbo ng kanilang damdamin, todo sisi ngayon ang mga manlalaro ng Gilas Pilipinas sa ginawa nilang pakikipagrambulan kontra sa koponan ng Australia sa third window ng FIBA World Cup qualifier noong Lunes ng gabi sa Philippine Arena sa Bulacan.

FIBA World Cup qualifier

FIBA World Cup qualifier

“Nangyari na yung hindi natin gusto. Lahat naman We apologize na lang sa fans, Filipino fans na nakapanood ng game na yun. Ang intention lang naman is ipagtanggol yung naapi naming brother which is Pogoy. We’re sorry. Sana hindi na ito maulit,” pahayag ni Japeth Aguilar.

Bukod kay Aguilar, walo pang Gilas players ang na thrownout dahil sa gulong nangyari kung saan apat namang Australian ang na-eject sa kabilang panig.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Ganun talaga, sa aming mga players, kunwari tumulong ka, may masasabi pa rin sayo bakit tumulong ka. Kung hindi, may masasabi rin. Matuto na lang siguro kami dun sa mga nangyari tapos magmove on na lang and magmahalan na lang tayo lahat,” wika naman ni Terrence Romeo.

“Nag-aapologize kami sa mga nangyari kahapon, Yung time nanag-wawarm kami then bigla kami binully, kaming lahat. Hindi fair sa amin yun kaya nung nagkataon na yun, sabi natin wag na natinm palampasin yun,” paliwanag naman ni Calvin Abueva.

“Naawa talaga ako kay Pogoy nung tinamaan siya [ni Kickert]. First time ko nakita is kuya Jayson na sumugod nang ganun. Family ang tinginan kasi namin dito,” aniya.

Nagbigay din ng kanyang panig ang pinag-ugatan ng gulo na si RR Pogoy hinggil sa hindi na natiis na pam-bubully sa kanila.

“Unang una humihingi kami ng sorry sa lahat ng fans ng Gilas saka fans din ng Australia na may nangyari na di inaasahan. Move on na lang tayo. Nagpapasalamat ako sa mga teammates ko, totoot silng teammate ,di nila ko iniwan. Yung number 4, grabe yung trash talk, saka si Kickert.”

“Tao lang din tayo napuno din ako. Binagga ko rin siya. Pang basketball pa rin hindi yung pang-ufc. Nanghihingi kami ng sorry sana matuto kami dito sana hindi na maulit, “ ayon pa kay Pogoy.

Maging ang mga hindi na thrownout na sina Baser Amer at Junemar Fajardo ay humingi din ng dispensa.

“Gusto lang namin magsorry sa mga fans ng gilas. Kung anuman yung nangyari kagabi is sabi nga ni coach Chot, let’s move on na. Sa mga kabataan na iniidolo kami, sorry po sa mga nangyari.,” ayon kay Amer.

“Sorry sa nangyari, hindi natin ineexpect na mangyayari yun. Nakita nyo naman kung anong ginawa ko dun. Tinuruan ako ng parents ko, hindi naman sa lahat ng panahon, kung pwede mo iwasan yung gulo umiwas ka kasi baka pagsisihan mo. Look to score pa ako pero nagkagulo pa. Sayang kasi yung opportunity na mag improve tayo. Pinaghandaan natin yun. Nangyari yung hindi inaasahan. Thankful ako sa grupo na to, nandun talaga yung brotherhood, yung samahan,” wika naman ni Fajardo.

Ngunit, nasa kamay na ng Fiba kung ano ang kaparusahan na tatangapin ng Gilas, higit at mahigpit na ipinagbabawal ng FIBA ang ‘unsportsmanlike act’ sa loob at labas ng court.

P o s i b l e n g m a h a r a p s a suspensiyon lahat ng sangkot sa kagulugan at kung hindi papalarin, maaari pang ma-ban ang bansa sa FIBA qualifier at sa iba pang torneo ng FIBA.

-MARIVIC AWITAN