IKINALUNGKOT ni Games and Amusement Board (GAB) Chairman Abraham Kahlil ‘Baham’ Mitra na nauwi sa rambulan ang laro ng Gilas Pilipinas at Australia Boomers sa Asian qualifying ng Fiba World Cup.

FIBA World Cup qualifier

Inamin ni Mitra na maging siya ay hindi agad nakahuma sa biglang pagtaas ng tensyon at hindi naabatang kaguluhan na naging dahilan sa ejection ng siyam na Gilas players at apat sa kampo ng Australia.

Ngunit, ang masakit na katotohanan, nalagay sa alanganin ang reputasyon ng bansa para maging host sa World Championship sa 2023, higit ang posibleng suspensyon na kahaharapin ng Gilas, gayundin ng ilang opisyal na koponan.

Muntik mag-suntukan! Beermen vs Taoyuan, nagkainitan sa PBA-EASL

Ipinahayag ng Fiba, ang international federation sa basketball, ang agarang imbestigasyon, sa naganap na ‘free-for-all’.

Subalit, isang panawagan ang binitiwan ni Mitra sa Fiba.

“Kung mabibigyan ng sanction ang mga players, which is nararapat naman dahil hindi naman talaga katanggap-tangap yung kanilang aksyon. But Fiba must also sanctioned first the referees,” sambit ni Mitra.

“If the referees, acting immediately at sa simula pa lamang na-restrained yung Kikkert at si RR Pogoy na parehong mainit na sa laro, hindi ito mag-scalate sa rambulan,” aniya.

Sinabi ni Mitra na marapat ding maunawaan ang mga players sa naturang sitwasyon, ngunit hindi nararapat na maging ang mga officials ay makisali sa gulo,” pahayag ni Mitra, dating Palawan Governor at two-time Congressman.

Ayon kay Mitra, nararapat na aksyunan ng SBP ang inasal ng mga Gilas personnel at official sa naturang kaguluhan.

“Coaches, assistant coaches and other officials must be warned that they are responsible to restrain their players. Hindi yung makikisuntok at makikigulo ka rin,’ pahayag ni Mitra.

Nahuli sa camera ang pagsugod ang pakikisama ni assistant coach Jong Uichico sa pambubugbog sa isang Australian player na napahiga na sa labis na pananakit ng Gilas. Kasama ring nagbato ng silya si dating PBA player Peter Aguilar, ama ni Gilas forward Japeth.

Humingi na ng paumanin si Uichico sa aksiyong nagawa.

-EDWIN ROLLON