Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang mga kritiko sa Simbahang Katoliko na huwag nang isama ang Diyos sa pag-iinsulto at pag-aatake laban sa kanya.
Nagbanta ang Pangulo na kapag ginamit ng kanyang mga kritiko ang Diyos, ay idadamay rin niya ang diyos ng ito sa pagbuwelta niya sa kanila.
Ikinatwiran ni Duterte na ang kanyang diyos ay “tougher” at “better” kaysa sa diyos ng mga bumabatikos sa kanya.
“Kayong mga relihiyoso na patuloy na bumabatikos sa akin, ‘Do not use God. Do not include him in your criticisms against me, ‘God sentenced you to rot in there,’ kasi kapag ako sumagot, isasama ko rin ang diyos mo dahil ginamit mo siya laban sa akin,” sinabi ni Duterte sa pagbisita niya sa Maasin, Southern Leyte nitong Lunes.
“Huwag niyo gamitin ang Diyos, pari ka man o obispo,” diin niya.
Kamakailan ay sinabi ni Manila Auxiliary Bishop Broderick Pabillo sa mga Katoliko na ang pagkakahalal ni Duterte ay hindi masasabing kagustuhan ng Diyos.
“God did not give us President Rodrigo Duterte. In a democracy, leaders are not divinely ordained. They are elected by the people. We cannot say ‘vox populi, vox Dei,’ that is, ‘the voice of the people is the voice of God.’ Not necessarily!” isinulat ng obispo sa kanyang blog.
“God did not give us Duterte to be our president. The 16 million voters chose him to be President and he is now President,” aniya.
Gayunman, ikinatwiran ng Pangulo na mas malakas ang kanyang diyos kaysa diyos ng kanyang mga kriktiko.
“You think your God is my God? My God is tougher. I can make him maul your God. He’s better,” aniya. “That’s what I said. Don’t use God. Because if you do, then he will really be included in my tirades.”
-GENALYN D. KABILING