HABANG tumatagal, mas sumisingasing ang ratasada ni Jacq Buncio.
Muling naging sentro ng atensyon si Buncio, pambato ng Suzuki-Wheeltek Racing Team at Total Phils, sa impresibong back-to-back champion wins gamit ang ipinagmamalaking Suzuki GSX-R1000R kamakailan sa Philippine Superbike (PSBK) Races – the Philippine Superbikes National (Nationals) Rookie Category and the Philippine Superbikes Cup (Pirelli Cup) Heavyweight A Class – sa Batangas Racing Circuit.
Nakababatang kapatid ng pamoso ring at pumanaw na si superbikes’ legend Maico, patuloy na umuukit ng pangalan sa kasaysayan ng motorbikes ang tinaguriang ‘Fastest Lady on Two Wheels’.
Naitala niya ng apat na panalo sa apat na races sa serye.
Nakamit niya ang class championship title at nahila ang bentahe sa national rookie class sa kahanga-hangang ratsada sa Round 2 sa nakalipas na weekend.
Sa edad na 17, impresibo ang kampanya ni Buncio laban sa mga lalaking karibal matapos sirain ang sariling lap record na 1:44 sa itinakbong 1:43.1 sa qualifying round, sapat para makamit ang solong pangunguna sa serye. Tangan niya ang personal lap record na 1:42.
Patunay sa kanyang walang kapantay na kahusayan, nagkakisa ang tatlong corporate giants sa mundo ng motorsports -- Total Phils. Corp., Suzuki Motorcycle Philippines at Wheeltek Nationwide – na ibigay sa kanya ang suporta.
“The support of Total, Suzuki and Wheeltek has been a very significant factor in my initial success as a superbikes’ racer. Their backing has kept me pushing further and testing the limits of what I’m capable of,” pahayag ni Bunci.
Ang nakatatanda niyang kapatid na si Des Buncio, ang 2017 overall champion sa Lightweight A category at ngayon ay sumasabak sa Heavyweight B category – ang dating kategorya ni Jacq.
Gamit niya ang 600cc sports bike laban sa mga lalaking karibal na may gamity na 1000cc patas na bikes. Sa kabila nito, siya ang ikalawa sa overall points leader matapos ang dalawang round.
Malaking tulong sa mgakapatid na Buncio ang suporta ni circuit’s star racer Dashi Watanabe ng Watanabe Racing Development Team.
“It was Kuya Dashi Watanabe who enhanced our riding skills and we would like to thank him and the whole Watanabe Racing Development team, we owe you our overall improvement as a racer,” pahayag ni Buncio.
Kumpiyansa si Buncio, suportado rin ng Total Excellium Fuel at Total Hi-Perf Motorcycle Oil, YRS Modifications, SSS Chain, KYT helmet, YSS suspension, Amaron Batteries, G4 Buko Pandan, Alesco at Galfer Brake system, ang matikas na kampanya sa Round 3 ng serye sa Hulyo 7-8 sa Clark International Speedway, Pampanga.