Pinalaya na kahapon ng pulisya ang pangunahing suspek sa pamamaslang sa isang pari sa Nueva Ecija na si Fr. Richmond Nilo.
Ito ay batay sa kautusan ni Judge Angelo Perez, ng Cabanatuan Regional Trial Court Branch 27, kasunod ng pag-apruba nito sa “urgent motion to withdraw information” na inihain ng abogado ni Adell Roll Milan, na inaresto makaraang ituro na bumaril umano kay Nilo.
Ipinaliwanag ni Senior Supt. Benigno Durana, Jr., tagapagsalita ng Philippine National Police (PNP), na pinakawalan ng Cabanatuan Provincial Jail si Milan dakong 11:00 ng umaga, kahapon.
Pinanindigan ng abogado ni Milan, si Atty. Larry Gadon na napagkamalan lang ng mga pulis ang kanyang kliyente nang arestuhin ito.
Sinabi naman ni Durana na isang “positive development” sa imbestigasyon sa kaso ni Nilo ang pagpapalaya kay Milan.
“Based on the appreciation of the prosecutor, he has to release the suspect, Adell Milan, at base na rin sa coordination ng ating mga investigators, this is probably one of the results of a positive development that we have achieved in running after other suspects who are involved in the killing of Father Nilo,” ayon pa kay Durana.
Katwiran ni Gadon biktima lang ng “mistaken identity” si Milan
-MARTIN A. SADONGDONG