GINAPI ng San Beda-A Red Lions ang Letran Knights, 79-56, para makamit ang senior division title sa 24th Fr. Martin Cup Summer Basketball Tournament kamakailan sa St. Placid gymnasium sa loob ng San Beda-Manila Campus.

PINANGUNAHAN ni Red Lions big man Donaldo Tankoua ang karibal sa mainit na tagpo ng kanilang laro laban sa Letran.

PINANGUNAHAN ni Red Lions big man Donaldo Tankoua ang karibal sa mainit na tagpo ng kanilang laro laban sa Letran.

Hataw si Clint Doliguez sa naiskor na 18 puntos para sandigan ang dominasyon ng Red Lions. Nag-ambag si Calvin Oftana ng 14 puntos sa torneo na itinataguyod ng Cocolife.

Umusad ang Red Lions sa 21-16 mula sa three-pointer ni Doliguez at jumper ni Oftana sa first period.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA

Nauna rito, nakopo ng Adamson Baby Falcons ang junior division crown sa makapigil-hiningang 78-76 panalo kontra San Beda University-Taytay Red Cubs.

Nanguna naman sina National player Jack Danielle Animam at rookie Kaye Pingol sa natipang tig-12 puntos para akayin ang National University Lady Bulldogs sa title-retention bid sa women’s class.

Kumasa si Jack Pambid sa Knights na may 12 puntos, habang kumana si Mark Sangalang ng 11 puntos.

“We played the guys who have not been playing in other off-season tournaments to give them exposure. I’m happy we won the game and the championships,” pahayag ni Red Lions coach Boyet Fernandez.

Samantala, ipinahayag nina organizers Edmundo Badolato at commissioner Robert de la Rosa na magsisimula ang 16th edisyon ng Fr. Martin Cup Division 2 basketball tournament sa Hulyo 13 sa St. Placid gymnasium ng San Beda-Manila campus sa Mendiola.