Inirerespeto at tatalima ang kampo ni dating senador Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa direktiba ng Korte Suprema, tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET), sa ipinataw sa kanilang multa dahil sa paglabag sa sub judice rule kaugnay sa manual recount sa vice presidential election protest.
Sa ilalim ng sub judice rule, pinagbabawalan ang mga partido sa kaso na magsalita sa media kaugnay sa judicial proceedings para maiwasang ma-prejudge ang isyu at maimpluwensyan ang korte. Ito ay para madesisyunan ang kaso batay lamang sa mga ebidensya.
Ayon sa Supreme Court Public Information Office, pinagbabayad ng PET si Marcos, ang kampo ni Vice President Leni Robredo, at kanilang mga abogado, ng tig-P50,000.
Ito ay dahil sa patuloy na paglalahad sa publiko ng dalawang kampo ng mga sensitibong impormasyon kaugnay sa recount o revision process.
-Beth Camia