Magsasagawa ng imbestigasyon sa pagpapahubad sa mga babaeng dumadalaw sa South Cotabato Detention and Rehabilitation Center, kinumpirma ng Commission on Human Rights (CHR), kahapon.

Ayon kay CHR-12 Regional Director Atty. Erlan Deluvio, aalamin nila ang dahilan ng pamunuan ng South Cotabato Provincial Jail (SCPJ) kung bakit ipinapatupad ang nasabing kautusan at kung dapat nga ba itong ipagpatuloy.

Ayon pa kay Deluvio, iregular ang pagpapatupad ng nasabing polisiya dahil kung walang angkop na alituntunin ay maaaring labag ito sa karapatan ng mga babaeng dalaw.

Kaugnay nito, nanindigan si Jail Warden Juan Lansaderas na matagal na nila itong ipinapatupad upang masiguro na walang maipupuslit na droga sa loob ng piitan.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

-Fer Taboy