Tumitindi na ang ‘word war’ sa pagitan ng Simbahang Katoliko at ng punong ehekutibo ng ating bansa.

Ito ay matapos banatan ni Sorsogon Bishop Arturo Bastes si Pangulong Rodrigo Duterte na aniya’y hindi dapat iniluklok sa kanyang puwesto.

Ang reaksiyon ni Bastes ay bilang tugon sa pagmumura

ng Pangulo sa Diyos at sa Bibliya kamakailan.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

“Duterte’s tirade against God and the Bible reveals again that he is a psychological freak, a psychopath, an abnormal mind, who should have not been elected as President of our civilised and Christian nation. Indeed his statements and actions and behaviour have become more and more intolerable to normal, well-minded people,” pahayag ni Bastes.

Umani na rin, aniya, ng iba’t ibang reaksiyon ang masagwang pahayag ng Pangulo.

“Some people have texted to me their reaction to the latest blasphemy of Duterte with the prayer that God will deliver us from this evil! I share with the feelings and thoughts with these concerned fellow Filipinos,” patuloy nito.

Kaugnay nito, nanawagan din si Bastes sa publiko na magdasal upang matigil na ang mga hindi kanais-nais na pahayag ng Pangulo.

“As of now, we should fervently pray to the Lord that such blasphemous utterances and dictatorial tendencies of this mad man will cease! God help the Philippines!” sabi ni Bastes.

“That is too much, as crossing the red line. As saint Jerome said, ‘not knowing the Bible is not to encounter God.’ As advise don’t tempt God as He said vengeance is mine,” komento naman ni Balanga Bishop Ruperto Santos.

-Leslie Ann G. Aquino