BALIW na ang tingin ng netizens at ilang manonood sa karakter ni Jackie Rice sa Hindi Ko Kayang Iwan Ka bilang si Ava.

Jackie

Ito ay matapos magpabuntis muli sa ibang lalaki si Ava para lang hindi siya iwan ni Marco (Mike Tan), at hindi ito muling mapunta kay Thea (Yasmien Kurdi).

Mabuti na lang na ang lalaking nakabuntis kay Ava, si Edward (Rodjun Cruz), ay nasa matinong pag-iisip at gustong panagutan ang magiging anak nila.

Tsika at Intriga

98% ng buhok, nalagas na; Doc Willie may mensahe sa kabataan, mga magulang

Mas kinaiinisan tuloy ngayon si Jackie dahil sa pagkadesperada niya. Kailan kaya madidiskubre ni Marco ang totoo, at ano kaya ang gagawin niya kay Ava kapag nalaman niya ang kasinungalingan nito?

Malalaman ang lahat ng kasagutan sa mga susunod pang eksena ng Kapuso Afternoon dramaseryeng Hindi Ko Kayang Iwan Ka, sa direksiyon ni Neal del Rosario.

-MERCY LEJARDE