KABILANG pa rin si Trenten Beram sa Asian Games-bound Philippine Track and field team habang ang kapwa Fil-Am track star na si Eric Shaun Cray ay nangangailangang magbigay ng isang kat anggap- tanggap na paliwanag dahil sa kabiguan niyang makasali sa Korean Open noong isang linggo.

Sinabi ni Phlippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) president Philip Ella Juico na may mabigat na dahilan si Beram nang hindi siya nakasali sa Korean Open habang binigyan nila ng 10 araw si Cray para ipaliwanag ang kanyang panig upang makaiwas sa posibleng sanction o outright expulsion.

“He made the mistake of going in the Ayala Open in Ilagan, Isabela.He’s really tired because the US NCAA has just concluded during that time,” wika ni Juico tungkol sa dahilan ni Beram, ang 200m at 400m gold medalist sa nakaraang Southeast Asian Games sa Kuala Lumpur, Malaysia noong isang taon.

“He was really tired he wasn’t able to return to compete in Korea, he just really can’t,” dagdag pa ng athletics chief.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“ T h e y ( PATAF A execom) gave him 10 days to respond why he didn’t show up in Korea. I actually give him five days but they advised me to make it 10,” ayon pa kay Juico.

N a p a b a l i t a n g nagtrabaho umano si Cray kaya hindi ito nakasali sa Korean Open.

“I heard he’s working. It might be because their monthly allowance was cut to P27,000 and he has a family to feed,” ani Juico patungkol kay Cray. “We have to find ways to make it work for him.”

Sasabak sana sina Cray at Beram, gold medalists sa nakaraang SEA Games sa men’s 4x100m relay team kasama nina Clinton Bautista at Anfernee Lopena para sa tangkang mag qualify sa Asiad sa nakaraang Korean Open.

-Marivic Awitan