LUMAPIT sa inaasam na titulo sina International Master Paulo Bersamina at Woman FIDE Master Shania Mae Mendoza sa kabila ng magkaibang resulta sa kanilang laro nitong Linggo sa penultimate round ng premier Under-20 division ng 19th ASEAN+ Age Group Chess Championships sa Royal Mandaya Hotel sa Davao City.

Pichay

Pichay

Ginapi ni Bersamina, 19, ang kababayang si Sarri Subahani sa eight round [ara sa 7 puntos, isang buong puntos ang bentahe kina Indonesia FIDE Master Azarya Jodi Setyaki, na nakihati ng puntos sa 14-year-old prodigy na si Daniel Quizon.

Kakailanganin lamang ng two-time Olympian na makatabla sa huling laro laban klay top seed IM John Marvin Miciano sa final round para masiguro ang kampeonato.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Tumabla naman si Mendoza, 19, sa laban kay Marife dela Torre para s akabuuan 6.5 puntos, kalahating puntos ang bentahe kay Davao City pride Ella Grace Moulic, namayani kay Zsuzsa Grace Tabudlong para sa 6 puntos.

Huling haharapin ni Mendoza si Laila Camel Nadera, habang si Moulic ay haharap kay dela Torre sa last round ng tournament na inorganisa ng Chess Event International at sanctioned ng National Chess Federation of the Philippines, s apakikipagtulungan ng Philippine Sports Commission at Davao City Mayor Inday Sara Duterte.

Samanatala, nahalala na ASEAN Chess Federation president si NCFP chief Butch Pichay, habang si Grandmaster Jayson Gonzales bilang isa sa tatlong vice president sa isinagawang election.

Kaagad na nanawagan ng pagkakaisa si Pichay kasabay ng paghingi ng suporta sa l 10-member nations na suportahan din ang re-election bid nina NCFP secretary-general at Philippine Olympic Committee chairman Bambol Tolentino bilang FIDE sec-gen.

Sa Open U16, nagwagi si Ronald Canino kay FIDE Master Pham Phu Vinh ng Vietnam para sa solong pangunguna habang nasilat si FM Alekhine Nouri kay Christin Marcelo Olaybal.