NOONG panahon ni ex- PNoy, na-impeach si Renato Corona. Ngayong panahon ni Duterte, na-quo warranto si Ma. Lourdes Sereno. S amaka tuwid, dalawang Supreme Court chief justice ang natanggal sa kanilang puwesto.
Dalawang presidente na rin ang napatalsik sa kanilang mga “trono”. Una ay si ex- Pres. Ferdinand Marcos, sa pamamagitan ng Lakas Tao (People Power o Edsa One) noong 1986. Sumunod na pinatalsik si ex-Pres. Joseph Estrada, dahil sa bintang na kurapsiyon noong 2001. Samakatuwid, dalawang pangulo ang napalayas sa puwesto.
Dalawang pangulo rin ang nakulong. Sila ay sina Estrada at ex-Pres. Gloria Macapagal-Arroyo. Si GMA ay ilang taong naka-hospital arrest samantalang si Erap ay sa kanyang resthouse sa Tanay, Rizal. Akala ng taumbayan, uusigin, lilitisin din si ex-PNoy at hahantong sa kulungan.
Ha n g g a n g n g a y o n , malaya pa si ex-PNoy tulad ng pagiging malaya ng kanyang puso at nananatiling isang soltero (binata) gayong kayraming mga dilag sa paligid. Sakaling siya’y mahatulan, saan kaya siya ikukulong? Sa Hacienda Luisita kaya?
May balita (news story) noong Miyerkules na si Jose Ma. Sison, founding chairman ng Communist Party of the Philippines (CPP), ay nakatakdang bumalik sa Pilipinas para sa peace talks sa Agosto. Pumayag na raw si Joma na bumalik. Matindi ang pasiya ni Pres. Rodrigo Roa Duterte na sa ‘Pinas ganapin ang usapang-pangkapayaan.
Bakit daw sa ibang bansa, gaya ng Oslo, Norway, gagawin ang peace talks gayong ang mga sangkot dito ay pawang mga Pilipino. Magastos pa raw doon. Sana ay totoo ang balitang payag na si Joma na bumalik sa PH para lumahok sa usapang-pangkapayapaan.
Ulitin natin. Pinal nang pinatalsik ng Supreme Court si Sereno. Nangako siyang hindi lulubay sa pagpuna sa Duterte administration. Sasama siya sa mga protest rally. Inakusahan niya si PRRD sa pagpapahina sa rule of law kaya patuloy niyang lalabanan ang “viciousness” ng administrasyon.
Badya ng pinatalsik na Chief Justice: “The responsibility for the weakening of the rule of
law is his.He has admitted that sowing intrigue and planting of evidence have been part of his practice.” Dagdag pa niya: “May paraan ang katotohanan para lumabas at malaman ng lahat. Nagkakamali siya kung inaakala niya na ang Pilipino ay madaling maloko.”
-Bert de Guzman