May “follow-up” kaya ang meeting nina Pangulong Rodrigo Duterte at United States President Donald Trump?

Lumutang ang katanungang ito matapos magpadala ng personal letter si Duterte kay Trump na binabati ang US president sa matagumpay nitong summit kay North Korean leader Kim Jong-un sa Singapore noong Hunyo 12.

Sinabi ni Philippine Ambassador to Washington Jose Manuel Romualdez na iniabot mismo ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang liham ni Duterte kay US State Secretary Mike Pompeo sa kanilang bilateral meeting sa US capital nitong Huwebes ( Biyernes ng umaga sa Manila).

Sa isang pahayag, sinabi ni Romualdez na: “Secretary Pompeo expressed hope for another meeting between President Duterte and President Trump as a follow-up to the productive and warm friendship” na nabuo ng dalawang lider sa ASEAN Summit sa Manila nitong Nobyembre.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Nakipagpulong si Cayetano, kasama sina National Security Adviser Hermogenes Esperon Jr. at DFA Assistant Secretary for American Affairs Lumen Isleta, sa mga opisyal ng U.S. para bigyang diin ang “importance of both countries’ shared historical and people-to-people ties and the strength of their defense alliance.”

-Roy C. Mabasa