IPINAHAYAG ni Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) General Manager Alexander Balutan nitong Miyerkules na kabuuang 26 Pinoy ang pinakabagong milyonaryo para sa unang dalawang quarters ng taon.

Kabuuang P1.2 bilyon Lotto jackpots ang naipamigay sa mga nanalo.

Batay sa record ng PCSO’s Product and Research Development Division of the Gaming Sector, may walong milyonaryo sa Lotto 6/42, walo sa Lotto 6/45, apat sa Lotto 6/49, apat sa Lotto 6/55, at dalawa sa Lotto 6/58.

“After February 16, 2018, no one has won the jackpot for Lotto 6/58 up to this time and the accumulated prize money is already at P181,477,292. So buy your ticket now, who knows you can be the next lucky millionaire?” pahayag ni Balutan.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

“Given na ýung mga winners na gusto nila maging anonymous sila for security reasons. Sýempre di mo maiwasan ýung iba kapag nalaman na biglang yaman ka, dudumugin ka nila.”

“I would recommend avoiding sudden lifestyle changes. Don’t do anything drastic. Pay your debts. At ang pinaka-importante, invest wisely or seek expert financial advice or find yourself a trusted financial planner on what to do with your money. Ýan ang mga nakakalimutan ng mga biglaang milyonaryo eh,” aniya.