Hanggang sa susunod na buwan na lamang maaaring maghain ng kanilang petitions for registration ang mga partido politikal na nagbabalak na makilahok sa May 2019 National and Local polls, sinabi ng Commission on Elections (Comelec).

Sa Resolution No. 10395, itinakda ng Comelec ang deadline para sa paghahain ng petitions for registration of political parties sa Hulyo 15.

Ang deadline naman para sa paghahain ng registration of coalition of political parties ay sa Agosto 31.

Nakasaad sa Section 61 ng Omnibus Election Code na “no religious sect shall be registered as a political party and no political party which seeks to achieve its goal through violence shall be entitled to accreditation.”

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Samantala, sinabi ni Comelec Spokesman James Jimenez na ang kabataang botante noong nakaraang Sangguniang Kabataan (SK) elections, na tutuntong na sa 18-anyos ay hindi na kailangang magparehistrong muli bilang regular voters sa darating na midterm polls, dahil awtomatiko nang ililipat ng Comelec ang kanilang mga pangalan mula sa SK database patungo sa official list of registered voters.

“We will be the ones to transfer their names to the registry,” ani Jimenez.

Ipinahayag ng Comelec kamakailan ang muling pagsisimula ng voter registration sa Hulyo 2 maliban sa Marawi City. Magtatapos ito sa Setyembre 29.

-Leslie Ann G. Aquino