HATAW si Allen Mina sa naiskor na 22 puntos para sandigan ang Letran Knights sa 67-55 panalo kontra Arellano University Chiefs sa Milcu-2018 Got Skills-Adidas Summer Showcase Basketball tournament kamakailan sa Far Eastern University gymnasium sa Morayta, Manila.

Nalimitahan ng Knights ang Chiefs sa 10 puntos sa third period para masiguro ang ikaapat na panalo ng Knights sa pitong laro sa 25-years old and under division.

Nanguna naman si Karl Penano sa naiskor na 18 puntos para sa National University Bulldogs, 71-69, kontra Lyceum Pirates. Nahila ng Bulldogs ang karta sa 3-2.

Naungusan ng Far Eastern University, sa pangunguna ni Clifford Jopia na kumubra ng siyam na puntos, ang University of the Philippines, 56-53, para sa 22 marka.

Angelica Yulo, ibinida training ng mga anak sa Japan

Ginapi naman ng La Salle ang University of the East, 52-40. Nagsalansan si Mark Dyke ng 17 puntos.