Sinibak sa puwesto ang apat na tauhan ng Eastern Police District (EPD) matapos mahuling gumagamit ng cell phone habang naka-duty.

Ayon kay EPD director, Chief Supt. Alfred Corpus, wala pa ring kadala-dala ang mga pulis sa kanyang nasasakupan matapos niyang unang sibakin ang anim na pulis-Pasig na nahuli namang natutulog sa duty at nag-abandona sa puwesto.

Ayon kay Senior Supt. Cresenciano Landicho, force commander ng District Mobile Force Battalion (DMFB) ng EPD, bago ang pagsibak ay nagsagawa ang DMFB Intel Operatives ng covert monitoring sa kanilang mga personnel, na naka-deploy para sa OPLAN Buhos, sa kahabaan ng Epifanio delos Santos Avenue (EDSA) sa Mandaluyong City nitong Martes.

Naaktuhang nagsi-cell phone sina PO1 Dave Vacunawa at PO1 Antonio Mendoza habang naka-duty sa southbound ng Metro Rail Transit (MRT) sa Ortigas, Mandaluyong City.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Nahuli rin sina P01 Aquilino Batoy, Jr. II at P01 Arnel Eluterio na gumagamit ng cell phone at inabandona ang kanilang puwesto, dakong 6:36 ng gabi.

B u k o d s a p a g s i b a k , sasampahan din ng kasong administratibo na Less Serious Neglect of Duty, sa ilalim ng NAPOLCOM Memorandum Circular No. 2016-002, ang apat na pulis.

A n i y a , h i n d i n i y a kukunsintihin ang mga ito at tiyak na papatawan ng kaukulang disciplinary action sa oras na mahuling may nilabag sa anumang direktiba ng Philippine National Police.

-MARY ANN SANTIAGO