Simula sa susunod na buwan ay maaari na muling magparehistro ang mga botante na nais na makaboto sa May 13, 2019 National and Local Elections.

Ito ay matapos na ihayag kahapon ng Commission on Elections (Comelec) na ipagpapatuloy nilang muli ang voter’s registration sa Hulyo 2, 2018.

Ayon kay Comelec Spokesperson James Jimenez, magtatagal lang ng tatlong buwan ang voter’s registration, o hanggang Setyembre 29, 2018, kaya dapat itong samantalahin ng mga botante.

Hindi naman umano magkakaroon ng voter’s registration sa Marawi City at Lanao del Sur dahil sa kasalukuyang sitwasyon doon.

Metro

MANIBELA magkakasa ng libreng sakay sa Pasko at Bagong Taon

“It is the duty of the Commission to conduct regular voter registration in order to enfranchise and enlist qualified voters nationwide, with the exception of Marawi City, Lanao del Sur in light of the current situation in the area,” ani Jimenez.

Sa pagpapatuloy ng voter registration, tatanggap ang Comelec ng mga aplikasyon para sa bagong rehistrasyon, transfer/transfer with reactivation, reactivation, change/correction of entry at inclusion/reinstatement of records sa listahan ng mga botante.

Kailangang personal na isumite ang aplikasyon sa Offices of the Election Officers (OEOs) sa lugar ng aplikante, simula 8:00 ng umaga hanggang 5:00 ng hapon, mula Lunes hanggang Sabado, kabilang ang araw ng holiday.

Plano rin namang magsagawa ng Comelec ng mga satellite registrations sa buong panahon ng pagtatala ng mga botante.

Mary Ann Santiago