Sinibak sa puwesto ang commander ng Greenhills Police Community Precinct (PCP), na sakop ng San Juan City Police, gayundin ang anim na pulis ng Pasig City Police matapos ang sorpresang inspeksiyon nina Eastern Police District (EPD) director, Police Chief Supt. Alfred Corpus at Pasig City chief of Police, Police Senior Supt. Orlando Yebra, Jr. sa kanilang presinto.

Agad ipinag-utos ni Corpus ang pagsibak sa puwesto kay Police Senior Insp. Angelbert Dumaging nang madismaya ito sa umano’y magulo at maruming presintong pinamumunuan nito.

Si Dumaging ay papalitan ni Police Senior Inspector Edgar Escresa.

Una rito, walang pasabing nagtungo si Corpus sa San Juan City Police, kasama si Police Senior Supt. Cresenciano Landicho na Force Commander ng District Mobile Force Battalion (DMFB), at binisita ang punong tanggapan nito, gayundin ang limang PCPs, dakong 11:00 ng gabi kamakalawa.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Nadismaya si Corpus sa Greenhills PCP at tinawagan si Dumaging.

Lalo pang nadismay si Corpus nang hindi niya matawagan si Dumaging at hindi rin umano ito nag-return call sa kanya.

Bukod sa pagsibak sa puwesto, sasampahan din si Dumaging ng kasong less serious neglect of duty.

S a m a n t a l a , b u k o d s a kinakaharap na kahalintulad na kasong administratibo, sinibak din ni Corpus ang anim na pulis ng Pasig City na nahuli mismo ni Yebra na natutulog habang naka-duty at wala sa puwesto.

Kinilala ang mga pulis na nahuling natutulog ay sina SPO1 Ricardo Allapitan, SPO1 Rustom Valdez, PO3 Higino Dancel, at PO2 Apolo Labrador.

Samantala, ang mga nahuling nag-abandona sa kanilang posisyon ay sina PO2 Danilo Damasco at PO2 Patrick Baldemor.

-MARY ANN SANTIAGO