NAGWAGI ang isang dokumentaryo tungkol sa pagpatay sa isang Filipino transgender woman ng Best Documentary Audience Award sa Inside Out LGBT Film Festival, sa Toronto, Canada kamakailan.

Isang eksena sa 'Call Her Ganda'

Idinirihe at produced ni PJ Raval, binalikan sa dokumentaryong Call Her Ganda ang kaso ni Jennifer Laude, ang 26-anyos na Filipino transwoman na pinatay ng isang Amerikanong marine officer sa Olongapo City, apat na taon na ang nakalipas. Sinundan sa dokumentaryo ang buhay ng tatlong babaeng sangkot sa kaso.

Sa official website ng pekikula, ang (http://www.callherganda.com), inilarawan ni Direk PJ ang Call Her Ganda bilang “modern David and Goliath story” dahil “(it) forges a visually daring and profoundly humanistic geopolitical investigative expose.”

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Sa isang mensahe na ipinadala sa Manila Bulletin Entertainment, sabi ni PJ, “It was an honor to win the Best Documentary Audience Award at Inside Out. Since the award was chosen by the audience, I am touched knowing Jennifer’s story is reaching audiences worldwide.”

Ayon pa sa direktor, umaasa siyang madadala at mapanood din ang pelikula sa Pilipinas.

Ang Inside Out LGBT Film Festival ay itinatag noong 1991 “to challenge attitudes and change lives through the promotion and exhibition of films and videos made by and about lesbian, gay, bisexual and trans people of all ages, races and abilities.”

Idinaos ang world premiere ng pelikula sa Tribeca Film Festival ngayong taon. Kinilala rin itong Outstanding North American Documentary Feature sa Los Angeles Pacific Film Festival noong Mayo.

Sinabi naman ng reporter ng American digital and print magazine na The Hollywood, na pinatunayan sa pelikula ang “simultaneously heartbreaking and inspiration.”

-REGINA MAE PARUNGAO