WALA nang world title na tangan si Senator Manny Pacquiao. Ngunit, magpahanggang ngayon, nananatili siyang natatanging Pinoy athlete sa mata ng international sports.

Sa ikatlong sunod na taon, kabilang ang tinaguriang ‘Pacman’ at tanging boxer sa mundo na nakapagwagi ng walong world division title sa Top 100 ‘Most Famous’ athletes sa inilabas na record ng pamosong ESPN Magazine.

Nasa No.63 si Pacquiao, naghahanda para sa pagbabalik aksiyon sa Hulyo 15 sa Jakarta, Malayia, at kabilang sa nahigitan niya ang mga pamosong atleta na tulad nina football’s Javier Hernandez ng Mexico, Thomas Muller ng Germany, Kylian Mbappe ng France at Alvaro Morata ng Spain, gayundin sina F1 superstar Lewis Hamilton ng England, NBA players Blake Griffin at Isaiah Thomas, tennis’ Caroline Wozniacki ng Denmark, Stan Wawrinka ng Switzerland, Simona Halep ng Romania at golfer Justin Rose.

Mas lamang din si Pacquiai kina Sergio Garcia ng Spain, Rickie Fowler, Michelle Wie, figure skating’s Yuzuru Hanyu ng Japan, table tennis’ Zhang Jike at Ma Long ng China at swimmers Ning Zetao at Fu Yuanhui ng China.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Ang mga pamosong Asian athletes na nakaungos kay Pacquiao ay sina Chinese swimmer Sun Yang, badminton’s Saina Nehwal ng India, cricker star Virat Kohli, MS Dohni, Rohit Sharma, Suresh Raina at Yuvraj Singh ng India. Ang 29-anyos na si Kohli, naglalaro bilang batsman, ay nasa No.11.

Ayon sa ESPN, ginamit na batayan sa pagbibigay ng ranking ay ang tatlong factor – fame, endorsement dollars, at google trend score.

Sinimulan ng ESPN Magazine ang survey sa pre-named ng mahigit 600 high-profile athletes sa mundo na kalauna’y ibinaba sa top 100.

Nangunguna sa listahan si Portuguese football icon Cristiano Ronaldo na may US$40 Million endorsement at social media follower na 121.7 milyon. Nasa No.3 at No.4 ang dalawa pang footballs tar na sina Lionel Messi ng Argentina at Neymar ng Brazil. Sa kabuuan ng listahan, 33 football player angnakapsok sa top 100.

Pangalawa si NBA four-time MVP LeBron James na may US$55 Million endorsements at social media following na 40.8 million.

Ang iba pang NBA player na may endorsement deal na lagpas sa US$10 milyon ay sina Kevin Durant ($36 Million), Steph Curry ($35 Million), James Harden ($20 Million), Russell Westbrook ($15 Million), Damian Lillard ($14 Million), Derrick Rose ($14 Million), Dwayne Wade ($13 Million) at Kyrie Irving ($13 Million).