Ipinagkibit-balikat lang ni Senador Antonio Trillanes IV ang banta ni Davao City Mayor Sara Duterte, matapos sabihin ng senador na hihilingin ni Pangulong Duterte sa anak na kumandidato sa mas mataas na posisyon sa pamahalaan upang manatili ang kanilang pamilya sa kapangyarihan.

Sa social media post ni Mayor Sara nitong Miyekrules, binalaan niya ang senador na huwag siyang buwisitin at hayaan siya “in peace in Davao City.”

Kalakip ng post ng alkalde ang balita nang sabihin ni Trillanes sa isang rally para sa Araw ng Kalayaan na tatakbong senador ang alkalde, at kung maglaon ay bilang pangulo, upang maging opsiyon umano ni Pangulong Duterte para manatili sa kapangrarihan.

“Like Speaker Alvarez, my advice to you is not to think of me, speak of my name, not even a whisper of Inday Sara from your ugly lips,” pahayag ni Mayor Duterte.”Leave me in peace in Davao City or else you and your friends will spend more than a billion in the 2022 Presidential elections just to make me insignificant.”

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Ngunit sa press briefing kahapon, pinili ni Trillanes na hindi sagutin ang babala ni Mayor Sara, at ipinagdiinang “facts” ang kanyang mga alegasyon, na mula umano sa “informant” na malapit sa Pangulo.

“Hindi ko na lang siguro papatulan ‘yan, I don’t have any time for that,” ani Trillanes. “Basta sa akin, sinabi ko ‘yung kailangan kong sabihin. Kung magalit, eh ‘di magalit, kung magdrama, eh, ‘di magdrama.”

Ayon kay Trillanes, alam ng Pangulo na marami itong kasong kahaharapin sa pagbaba ito sa puwesto sa 2022. Ang pagdedeklara umano ng martial law, ang pahayag para sa rebolusyonaryong pamahalaan, at ang pagsusulong ng federalism ang ilan umano sa mga paraan i Duterte upang manatili sa kapangyarihan.

“Nilalatag ko lang ‘to as a matter of fact na ito ‘yung plano nila. I believe that decision was made for her by Duterte as a final option,” ani Trillanes.

-Vanne Elaine P. Terrazola at Leonel M. Abasola