GS Warriors, sinalubong ng P1M fans

OAKLAND, Calif. (AP) — Walang patid ang hiyawan at kaway ng mga tagahanga sa kanilang bayaning Golden State Warriors.

NAPASIGAW sa labis na kasiyahan si Golden State Warriors’ Stephen Curry habang tangan ang Larry O’Brien trophy, habang walang tigil ang pagbati ng mga tagahanga na naghintay sa mga lansangan sa ginanap na victory parade sa Oakland, Calif. Nitong Martes (Miyerkules sa Manila). (AP)

NAPASIGAW sa labis na kasiyahan si Golden State Warriors’ Stephen Curry habang tangan ang Larry O’Brien trophy, habang walang tigil ang pagbati ng mga tagahanga na naghintay sa mga lansangan sa ginanap na victory parade sa Oakland, Calif. Nitong Martes (Miyerkules sa Manila). (AP)

Umaapaw, siksik-liglig ang kasiyahan ng back-to-back champions, sa pangunguna nina two-time MVP Stephen Curry at back-to-back Finals MVP Kevin Durant, sa suportang ipinamalas ng milyong tagahanga na nag-abang sa kanilang pagdaan para sa pagdiriwag ng kanilang back-to-back cvhampionship at patunay na may bagong ‘dynasty’ sa NBA.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Sa nakalipas na apat na sunod na championship laban kay LeBron James at Cleveland Cavaliers, tatlong korona ang naiuwi ng Warriors.

Walang tigil ang hiyawan ng mga tagahanga, suot ang mga t-shirts at tangan ang placards na may nakalimbag na “Dynasty” at “Back to Back Champions” ang bumulaga sa Warriors sa kanilang victory ride nitonf Martes (Miyerkules sa Manila).

Batay sa pagtataya ng local officials, aabot sa 1 milyon ang mga tagahanga na nakiisa sa pagdiriwang ng Warriors.

Ispesyal at kakaiba ang inihandang programa na inilarawan ng organizers na “interactive” parade dahil sa pagkakataon ng mga tagahanga na magtanong sa mga players habang napapanood sa malalaking TV screens.

Mula sa sinasakyang double-decker bus, umibis si Curry para personal na kamayan ang mga tagahanga, kasunod ang paghahagis ng t-shirts, bracelets at iba pang Warriors souvenirs. Sa stage, inalog niya ang bote ng champagne para ipinatikim sa mga tagahanga ang kasiyahan nila sa locker room matapos walisin ang Cavaliers.

Isang malaking sombrero ang panangalang ni Curry sa init ng araw at sa ilalim nito ang baseball cap na may nakalimbag na “RUN TMC”, isang pagbibigay parangal sa mga dating Warriors na sina Tim Hardaway, Mitch Richmond at Chris Mullin, gayundin ang coach na si Don Nelson (1989-91).

“We never really imagined that we would be having one parade, let alone two and now three,” pahayag ni Curry. “But this is for you guys! We are going to try and get greedy and go get some more.”

Nakisalamuha rin sa crowd sina JaVale McGee, Nick Young at Jordan Bell na nakadagdag sa masiglang kapaligiran ng mga Californian.

“I’m just excited to be here with these guys,” sambit ni McGee. “Our fans are amazing! All the love that they show is just beautiful.”

Kabilang ang tagahanga na si Melissa Marzan, 25, ng Santa Cruz sa naghintay nang pagkakataon na makita ng personal ang Warriors.

“We all know it’s not going to happen forever, so for now we’re just going to enjoy it,” aniya.

Kasama ang mga anak na sina Jonavon, Jewel at Cypher, nakigulo rin ang Oakland resident na si Jasmine Culp, 36, para sa pagdiriwang ng Warriors sa hulking pagkakataon sa Oakland.

Nakatakdang lumipat ang Warriors sa bagong gawang coliseum sa San Francisco sa susunod na season.

“It’s sad to see a big part of our city move away,” aniya. “Not going to want to travel over the bridge to see them, but we will.”