ISA ang boxing – amateur man o professional – sa sports na nagbibigay ng dangal at karangalan sa bansa mula sa international competition.

Ang katotohanang ito ang sandigan ni Games and Amusement Board (GAB) upang isulong ang programang Philippine Boxing Youth Championship.

“To encourage more young and talented fighters to take up boxing,” pahayag ni GAB Chairman Abraham ‘Baham’ Mitra.

Hinikayat ni Mitra, dating Gobernador at Congresman ng Palawan, ang mga local boxing promoters na isama ang ‘youth’ division sa kanilang mga promosyon, higit sa mga lalawigan.

Filipino Olympian Hergie Bacyadan wagi kontra Chinese kickboxer; sinungkit gintong medalya

“Based on initial discussion by the GAB Board and boxing promoters and managers, the youth champion must be 18 to 23 years and 11 months old to be eligible,” pahayag ni Mitra.

“The boxer must has fought at least seven professional bout and has won two eight-round bouts, para mabigyan naman natin ng special award. Sa ganitong paraan, tingin ko mas maatract sila,” sambit ni Mitra.

Aniya, mas mababantayan pa ang mga kabataan sa mapagsamantalang managers, match-maker at promoter.

“Hindi naman kaila sa atin na dahil sa hirap ng buhay, maraming kabataan ang talagang sumasabak sa boxing sa pangarap na maging daan sa pagahon sa kahirapan. Ang problema, may mga kasama tayo sa industriya na medyo sinasamantala naman ang pagkakataon,’ aniya.

Maagang sumabak sa boxing si eight-division world champion Manny Pacquiao na mas ginustong maging pro sa maagang panahon kesya maging miyembro ng National Team dahil sa hirap sa buhay.

“Pursigido at determinado si Senator Manny (Pacquiao) kaya naging successfull. Kung mababantayan natin at magagabayan ang ating mga kabataan mas malaki ang tyansa nilang umangat sa sports,” sambit ni Mitra.

Sa kasalukuyan, inilatag na nina GAB Boxing and other Contact Sports chief Dioscoro Bautista at assistant chief Jackie Lou Cacho ang ‘template’ para sa programa sa pakikipagpulong sa mga boxing promoters at managers.

“We (GAB) will announce the results of these exploratory talks as soon as possible. Hopefully, we can start this program right away,” aniya.

Ikinatuwa naman ni Mitra ang patuloy na pagdagsa ng mga sports organizers upang humingi ng sanctioned sa ahensya para sa kanilang sports organization.

Mula sa three-point shooting, 3x3 basketball, jiu-jitsu at entertainment wrestling, sinabi ni Mitra na handa ang pamahalaan na gabayan ang kanilang sports para masiguro ang kaligtasan ng mga atletang makikisa at maglalaro.

“Natutuwa kami, dahil alam nila na mas magiging successful ang sports event nila kung may gabay at pagbabantay ng GAB. Kami naman handang tumulung at makinig sa kanilang mga pangangailangan para mas maging aktibo ang sports sa bansa,” sambit ni Mitra.