Apat na kumpanya mula sa South Korea ang nagnanais na mamuhunan ng $4.4 billion sa mga proyektong enerhiya sa bansa, ayon sa Department of Energy (DoE).

Nilinaw ni DoE Secretary Alfonso Cusi na nagsumite ng letter of intent ang SK Engineering & Construction para sa isang coal-fired power plant sa Quezon na inaasahang lilikha ng 3,000 trabaho kada taon sa konstruksyon pa lamang nito, habang 600 naman ang kailangan sa operasyon nito.

Nagpasa rin ng proposal ang Sy Enc Co. para sa isang wind power generation project na magbubukas naman ng 10,000 trabaho.

Plano naman ng BKS Energy Industry Ltd. na magtayo ng solar power generation plant na mangangailangan ng 1,000 manggagawa kada taon.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Bukod pa ang panukala naman ng SK E&S na liquefied natural gas o LNG terminal hub na mangangailangan ng 2,200 trabaho sa construction period nito.

-Bella Gamotea