Hindi lamang pag-aapula ng sunog ang dapat alam ng mga bumbero, kailangan din silang maging certified Emergency Medical Technicians (EMT) para makatugon sa anumang aksidente o pangangailangan.

Inaprubahan ng Kamara sa pangatlo at pinal na pagbasa ang House Bill 7465 para gawing certified emergency medical technicians ang mga bagong tauhan ng Bureau of Fire Protection.

Layunin ng panukala, inakda ni Antipolo City Rep. Romeo Acop, chairman ng House Committee on Public Order and Safety, na magdebelop ng “corps of well-trained emergency medical technicians in the uniformed personnel of the BFP.”

-Bert De Guzman
Musika at Kanta

Belle Mariano, kakantahin ang Filipino version ng end credit song sa 'Moana 2'