BAGAMA’T ligtas na sa kapahamakan makaraang masaksak nitong Linggo ng madaling araw sa Bonifacio Global City sa Taguig, kinakailangan pang magpahinga ng halos dalawang buwan ni Thomas Torres bago makapaglaro sa kanyang koponan sa Maharlika Pilipinas Basketball League.

Nagtamo ng saksak ang La Salle Green Archer matapos silang mapag initan kasama sina Jeron Teng at Norbert Torres ng isang grupo ng kalalakihang di hamak na mas may edad sa kanila.

Sang-ayon sa agent-manager ni Torres na si Charlie Dy, dahil sa nasabing insidente ng pananaksak, nagtamo ang kanyang manlalaro ng punit sa kanyang tricep muscles at nangangailangan ito ng hanggang anim na linggo o higit pa upang makarecover.

“Ligtas na naman siya. Pero inoobserbahan pa rin,” pahayag ni Dy.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

“Pero matatagalan yung recovery niya kasi nga tinamaan yung kanyang tricep muscles. “

Naoperahan na si Torres ayon kay Dy noong Linggo ngunit kailangan nyang operahan ulit upang maayos ang napinsalang tricep muscle.

Si Torres ay kinuha ng Mandaluyong para sa darating na second conference ng MPBL na magbubukas sa Hunyo 12.

-Marivic Awitan