Libu-libong residente sa katimugang bahagi ng Metro Manila ang maaapektuhan ng pansamantalang pagkawala ng supply ng tubig sa Hunyo 6-8.

Sa abiso ng Maynilad, magpapatupad ng pansamantalang shutdown sa Putatan Water Treatment Plant (PWTP) sa Muntinlupa City simula bukas, Hunyo 6, upang maikonekta ito sa bagong water treatment facility na ginagawa sa naturang lugar.

Apektado sa paghina hanggang sa kawalan ng tubig ang ilang barangay sa Las Piñas, Muntinlupa, Parañaque, at Cavite simula 11:00 ng umaga ng Hunyo 6, hanggang 5:00 ng umaga ng Biyernes, Hunyo 8.

Kabilang sa mawawalan ng tubig ang mga barangay ng Almanza Uno, Almanza Dos, Pamplona Uno, Pamplona Dos, Pamplona Tres, Pilar, Pulang Lupa Dos, Talon Uno, Talon Dos, Talon Tres, Talon Kuwatro, at Talon Singko sa Las Piñas.

Rep. Pulong Duterte binalingan si Rep. Castro?; trato kina VP Sara, Lopez, ikinumpara!

Mawawalan din ng tubig ang Alabang, Bayanan, Buli, Cupang, Poblacion, Putatan, Sucat at Tunasan sa Muntinlupa, simula 11:00 am ng Hunyo 6 hanggang 5:00 am ng Hunyo 8, samantalang maaapektuhan ang Ayala Alabang simula 10:00 pm bukas hanggang 10:00 pm sa Huwebes.

Magkakaproblema rin sa tubig ang BF Homes (Hunyo 6, 11:00 am hanggang Hunyo 8, 5:00 am); Don Bosco, Marcelo Green Village, San Antonio, San Martin de Porres (Hunyo 7, 2:00 am hanggang Hunyo 8, 5:00 am); Don Bosco, Marcelo Green Village, San Antonio, at San Isidro (Hunyo 7, 10:00 pm hanggang Hunyo 8, 5:00 am) sa Parañaque.

Simula 11:00 am ng Miyerkules hanggang 5:00 am ng Biyernes ay mawawalan din ng tubig sa Molino II, III, IV, at VII, Queens Row Central, Queens Row East, Queens Row West, at San Nicolas III sa Bacoor City.

Apektado rin ng water interruption simula 10:00 pm ng Huwebes hanggang 5:00 am ng Biyernes ang Alima, Banalo, Bayanan, Campo Santo, Daang Bukid, Digman, Habay I, Kaingin, Ligas II-III, Mabolo I-II, Maliksi II-III, Mambog I-IV, Molino I-IV at VI, Niog II-III, Talaba I at III, Tabing Dagat, San Nicolas I-III, at Sineguelasan sa Bacoor, Cavite.

-Bella Gamotea