TANGAN nina International Master John Marvin Miciano at Woman National Master Christy Lamiel Bernales ang pagiging top ranked player sa kani-kanilang dibisyon sa pagbubukas kahapon ng 2018 National Open Chess Championships kahapon sa second floor Activity hall ng Alphaland Ayala Place sa Malugay, Makati.

Ang ipinagmamalaki ng Far Eastern University na si Miciano ay may Elo rating na 2459 sa pinakabagong June 2018 Fide rating list para makuha ang number 1 seed sa 26 players’ field sa week-long event na inorganisa ng National Chess Federation of the Philippines (NCFP).

Habang sa panig naman ni Bernales na pambato naman ng University of the Philippines ay hawak ang 2045 Elo rating sapat para hawakan ang umber 1 seed sa 8 players’ field womens’ division.

Sa opening message kahapon ni National Chess Federation of the Philippines (NCFP) Chairman/President Prospero “Butch” Pichay Jr. ay pinuri niya ang lahat ng manlalaro para ibigay nila ang kanilang makakaya kung saan ang mananalo ang kakatawan sa bansa para sa nalalapit na 2018 World Chess Olympiad sa Seytembre sa Batumi, Georgia.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Inihalimbawa at pinuri din ni Chairman Pichay si Wesley So na kahapon ay tinalo ang reigning three-peat champion Magnus Carlsen ng Norway sa 2018 Altibox Norway Chess Championships sa Stavanger, Norway.