Posibleng maharap sa kasong obstruction of justice ang acting mayor ng Asingan, Pangasinan dahil sa pagtulong sa kanyang security personnel na takasan ang kasong illegal possesion of firearms at ang umano’y pananakot sa ilang Sangguniang Kabtaan (SK) chairmen sa Sapigao Gym, Asingan.

Sa panayam ng Balita kay Chief Inspector Demosthenes Magnaan, hepe ng Asingan police, binibigyan ng pagkakataon si Acting Mayor Joshua Viray na isuko ang kanyang tauhan sa awtoridad.

Ba s e s a imbe s t iga syon, nilapitan si SK Chairman John Von Manangan, 21, ng Barangay Toboy, Asingan, Pangasinan, ng hindi pa pinapangalanang security personnel ni Viray sa Sapigao Gym, Asingan, bandang 12:00 ng tanghali nitong Mayo 29.

Armado umano ang security personnel at tinakot si Manangan dahil hindi umano nito binoto ang kandidatong kanilang ipinaboboto.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

“ B a ’ t i b a a n g b i n o t o mo? Pakibalik mo ang pera.” Bulong umano ng secur i t y pe r sonne l kay Manangan. Inagaw ni Chief Inspector Magnaan, na naroon sa lugar, ang baril ng security personnel.

Ayon kay Magnaan, habang inaaresto ang security personnel ay nakialam si Mayor Viray at tinulungang makatakas ang suspek.

Samantala, limang SK chairmen ang naitala ng Asingan Police na tumanggap ng 5,000 kapalit ng pagboto sa sinusuportahang kandidato ng security personnel.

-LIEZLE BASA IÑIGO