BILANG bahagi ng paghahanda sa nalalapit na Southeast Asian Games sa darating na 2019 sa Pilipinas, hindi lamang ang pagsasaayos ng mga venues ang inaatupag ng Philippine Sea Games Organizing Committe (Phisgoc) kundi ang pangangailangan sa ‘Volunteers’ para tumulong sa hosting ng nasabing biennial meet.

Plano ng pamunuan ng Phisoc na kumuha ng kabuuang 50,000 mga volunteers na maaring tumulong sa pag asiste sa mga atleta at mga delegasyon sa kanilang pananatili sa bansa.

Ito ang mga tao na magiging abala sa pag asikaso sa mga bisita buhat sa hotel na kanilang titirhan hanggang sa playing venues sa kalakhang Maynila at sa Central Luzon partikular na sa Clark new City sa Pampanga,

Ang mga nasabing volunteers ay itatalaga sa mga nasabing venues kung saan ay may tatlong mamumuno rin sa bawat venues na mag mamando at makikipag tulungan sa head ng mga committees na itatatlag sa para sa pagsasaayos ng hosting.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Nauna na dito, 30 sports discipline ang inaprobahan na ng Phisgoc na siyang nakatakdang laruin sa nasabing kompetisyon na tatagal ng dalawang linggo buhat sa Nobyembre 30 hanggang Disyembre 9 ng susunod na taon.

Sinabi naman ni Philippine Olympic Committee (POC) president Ricky Vargas na siya rin chairman ng Phisgoc na ngayon pa lamang ay nagsisismula na silang maghanap ng mga volunteers na maaring makaibahagi sa presitihiyosong kompetisyon.

Inanunsiyo din nila na tatagal hanggang sa Hunyo 30 ng taong kasalukuyan ang pagsumite ng mga karagdagang sports discipline na nais na maidagdag sa nasabing labanan.

-Annie Abad