MAY prosthetics ang left side ng mukha at may suot na flower head wreath si Kyline Alcantara nang ma-interview namin sa taping ng Kambal Karibal.
Paglilinaw niya, wala sa eksena na magsuot siya ng flower head wreath. Flowery daw ang concept ng taping nila that day, kaya naisip niyang magsuot ng flower head wreath.
Hindi naman daw makati ang prosthetics na made of silicon, mainit lang ‘pag nagtatagal na at nagkakatubig sa loob. Mahigit isang oras inilalagay ang prosthetics na kung titingnan parang simple, pero matagalan palang proseso.
Nakakatuwa ang sagot ni Kyline sa comment ng mga kausap na reporter na sikat na siya.
“Kinikilig ako ‘pag may nagsasabing sikat na ako. Iba-iba ang tawag sa akin, may Crisan, Crisel at Cheska, mas maraming tumawag ng Cheska. Laging hinahanap sa akin si Diego (Miguel Tanfelix) dahil ‘yung tatlong characters, naugnay kay Diego.”
Balik sa pagiging kontrabida si Kyline bilang si Cheska at sa pagkakataong ito, madodoble ang inis sa kanya ng viewers dahil magiging doble at baka triple pa ang kanyang kasamaan.
“Walang pakialam si Cheska ngayon. Ang goal niya ngayon, makuha ang katawan ni Crisan para mabuhay nang forever si Cheska. Ini-enjoy ko na lang ang challenges na ibinibigay sa akin. Okay lang sa akin ang kontrabida at kung tatanungin ako kung ano ang gusto ko, ‘kontrabida ang gusto ko’ ang isasagot ko,” kuwento ni Kyline.
Mahusay ding s inger si Kyline at dahil na-meet ng kanyang fans, na kung tawagin niya ay Sunflowers, ang challenge/deal ng GMA Records na ipagpo-produce si Kyline ng concert ng GMA Records ‘pag umabot sa one million views ang song niyang Sundo at 50,000 ang subscribers, kaya magkakaroon na siya ng concert.
Ab a n g a n n a l a n g s a announcement kung kailan at kung saan ang concert. Tiyak na matutuwa ang fans ni Kyline na lalo pang dumadami.
-NITZ MIRALLES