Ipinasa ng Kamara ang House Bill 7506 na nagtatatag sa National Mariculture Program (NMP) na magpapalakas sa sektor ng pangisdaan at titiyak sa seguridad sa pagkain.

Layunin ng “The National Mariculture Program Act,” na inakda ni Rep. Vilma Santos-Recto na magpatupad ng “sustainable ecosystem-based approach that will provide a blueprint for the desired development of mariculture in the country.”

Itatatag din nito ang physical at socio-economic support infrastructures na sisiguro sa mabuting pamumuhunan at sapat na hatian ng mga mangingisda at ng local government units (LGUs) sa mariculture.

Inaatasan ang lahat ng provincial, city, o municipal governments na umupa ng mariculture parks at zones para sa fisherfolk cooperatives at pribadong mamumuhunan sa loob ng 10 taon, at maaaring i-renew.

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

Magkakaloob ng pautang ang Land Bank of the Philippines sa mga mangingisda para makagawa ng fish cage at makabili ng stock at pagkain ng mga isda.

-Bert de Guzman