Ang Megalotto 6/45 na binola nitong Biyernes, May 25, 2018, na may jackpot prize na nagkakahalagang Php15, 898, 612.00 ay napanalunan ng isang manlalaro mula sa Noveleta, Cavite.

Ayon kay PCSO General Manager Alexander F. Balutan, ang 2 ticket na may winning combination na 34-12-22-15-20-27 ay nabili sa lotto outlet sa Puregold Noveleta na pag-aari ng Lucky Ventures Leisure Corp.

Ang Megalotto 6/45 ay nilalaro tuwing Lunes, Miyerkules at Biyernes. Ang Lotto draws ay mapapanood ng live araw-araw tuwing ika-9 ng gabi sa PTV.

Para sa iba pang winning combinations at schedule ng iba pang PCSO games, maaaring bisitahin ang official website ng PCSO na www.pcso.gov.ph.

Akari Sports wala pang balak pasukin ang PBA