Sinibak ni Eastern Police District (EPD) Director Chief Supt. Reynaldo Biay sa puwesto ang isang bagitong pulis nang mag-viral sa social media ang pagmumura nito sa isang jeepney driver, na sinita nito dahil umano sa paglabag sa batas-trapiko sa Barangay Fortune, Marikina City, nitong Sabado ng umaga.

Inalis sa puwesto si PO1 Bernard Cantre, nakatalaga sa sa EPPD-District Mobile Force Battalion (DMFB), alinsunod na rin sa kautusan ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief, Director Camilo Pancratius Cascolan.

Napanood ni Cascolan ang kumalat na video ni Cantre kung saan nagbitaw ito ng maaanghang na salita laban sa isang driver ng pampasaherong jeep na nakipagtalo sa kanya matapos nitong sitahin dahil sa pagka-counterflow sa Bgy. Parang, bandang 10:00 ng umaga.

Nakitaan si Cantre ng hindi magandang asal habang sinisita nito ang driver na ini-record ng isang concerned citizen at ibinahagi sa Facebook hanggang sa mag-viral ito.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

Kasama ni Cantre ang asawa nito habang sila ay nakasakay sa isang motorsiklo at papunta sana sa Bgy. Fortune sa Marikina nang maganap ang insidente.

Natuklasang nauna nang nasita ang driver sa isang traffic violation kaya ipinakita na lamang nito kay Cantre ang isang Traffic Violation Receipt (TVR).

Kaugnay nito, tiniyak ni Biay na hindi nito kukunsintihin ang hindi magandang pag-uugali sa kanyang mga tauhan, na dapat ay makitaan ng disiplina at propesyunalismo.

Sinabi naman ni Cascolan na ang mga pulis na tulad nila ay dapat na maging ehemplo sa pagpapanatili ng kahinahunan sa lahat ng pagkakataon at pagpapatupad ng maximum t o l e r a n c e s a k omu n ida d n a p i n a n g a k u a n n i l a n g pagsisilbihan.

-Mary Ann Santiago