Bumagsak nitong Biyernes sa pinakamababang halaga ang palitan ng piso kontra sa dolyar sa nakalipas na 12 taon.
Sa huling araw ng trading week, naitala ang P52.70 closing rate kumpara sa P52.55 nitong Huwebes.
Ang nasabing closing rate ay pinakamababa mula sa naitalang P52.745 na palitan kontra dolyar noong Hulyo 19, 2006.
Ayon kay Guian Angelo Dumalagan, market economist ng Land Bank of the Philippines, bumulusok ang halaga ng dolyar sa huling bahagi ng trading dahil sa epekto ng pagkansela ng Amerika sa pinakaaabangang pulong nito sa North Korea na una nang itinakda sa Hunyo 12.
Bahagya pa aniyang humina ang dolyar dahil sa profit taking, kasunod ng pagkansela ni US President Donald Trump sa summit meeting nito kay North Korean leader Kim Jong Un sa Singapore. (Beth Camia)