Kinondena ng mga pulis sa Ca­gayan Valley ang pagpatay ng mga terorista kay Allacapan Sangguniang Bayan member at dating Allacapan Chief of Police, PCINSP Zaldy Mal­lari, nitong Huwebes ng hapon.

Pinatay si Mallari ng dalawang arma­dong lalaki sa Barangay Labben, Allacapan, Cagayan at ito ay inako ng New People’s Army-Danilo Ben Command.

Ayon kay PCSUPT Jose Mario Espino, PRO2 Regional Director, ang pagpatay kay Councilor Mallari ay nagpapatunay sa kasamaan ng Communist Party of the Philippines- New People’s Army.

"This is also a manifestation of their crooked principle and ideologies which are contrary of what they are trying to portray to the public as champion of social justice. I urge the public to deny the rebel group activities and report them immediately to the authorities to prevent them from disturbing the peace and order in the community," sabi ni Espino.

Eleksyon

Archdiocese of Manila, hindi mag-eendorso ng kandidato sa eleksyon

Samantala, inatasan ni Espino si Ca­gayan PNP Provincial Director PSSUPT Warren Gaspar Tolito na magsagawa ng manhunt operation para sa pag-aresto sa mga nasa likod ng pagpatay.

Matatandaang nitong Mayo 24, 2018, bandang 5:45 ng hapon sa Bgy. Labben, Al­lacapan, Cagayan, dumating ang biktima sa kanyang talyer nang sumulpot ang dalawang hindi pa nakikilalang armado at makailang beses binaril ang biktima sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Mabilis na tumakas ang dalawang suspek, kasama ang isa nilang kasabwat na naghintay sa labas ng talyer, sakay sa dalawang motorsiklo patungo sa Centro, Allacapan, Cagayan.

-Liezle Basa Iñigo