Patay ang isang bus dispatcher, na hinihinalang suspek sa pagpatay sa isang college dean, matapos umanong mang-agaw ng baril ng police escort sa loob ng mobile car sa Las Piñas City kahapon.

Patay na nang isugod sa ospital ang suspek na si Rodelo Lava y Apostol, alyas Rodel, 38, ng Tanza Cavite, sanhi ng tama ng mga bala sa katawan.

Sa ulat na ipinarating ni Southern Police District (SPD) Director, Chief Supt. Tomas Apolinario, Jr., naganap ang insidente sa loob ng police mobile car sa Alabang-Zapote Rd, Pamplona, sa Las Piñas City, bandang 7:00 ng umaga.

Sa inisyal na imbestigasyon, inaresto si Lava matapos mahulihan ng isang caliber .45 Norinco, kahina-hinala ang serial number, na paglabag sa Omnibus Election Code.

National

Ilocos Norte, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Habang sakay sa mobile car si Lava, kasama ang mga umarestong pulis, at patungo sa Alabang-Zapote Road, Pamplona para sa medical examination ng una nang agawin nito ang baril ng police escort kaya siya binaril at bumulagta.

Sa imbestigasyon, si Lava ay pangunahing suspek sa pagpatay kay Dr. Harivelle Charmaine Tapaoan Herbando, dean ng College of Medicine sa University of Perpetual Help sa Las Piñas nitong Mayo 11.

Bukod dito, sangkot din ang suspek sa serye ng pagnanakaw at gumagamit ng ilegal na droga.

Patuloy ang imbestigasyon at follow-up operations sa insidente.

-Bella Gamotea