Bumulusok ang net worth ni Vice President Leni Robredo sa nakalipas na anim na buwan matapos niyang iulat ang P7.76 milyon nabawas sa kanyang 2017 Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN).

Kabilang sa kabuuang pag-aari ni Robredo ang cash, furniture, appliances, mga alahas at sasakyan na nagkakahalaga ng halos P13,014,102.80 noong 2017, habang ang kanyang liabilities ay nasa P11,900,000.

Noong 2016, nakadeklara sa SALN niya ang net worth na P8,878,111.43.

Kasama sa pagkakautang ni Robredo ang mga loan niya sa ilang indibiduwal upang ipambayad sa electoral fees na itinakda ng Presidential Electoral Tribunal (PET).

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

May walong real property si Robredo sa Naga City na nagkakahalaga ng P1,735,000. Dalawa rito ang residential lot, isang bahay, tatlong agricultural lot, isang memorial lot at isang orchard lot.

Dalawa ang sasakyan ni Robredo, isang 2010 Toyota Innova na nagkakahalaga ng P1,123,000; at isang 2014 Toyota Grandia na nasa P1,750,000.

Idineklara rin niya ang shares stock sa Meralco. Habang tatlong kamag-anak niya ang nagtatrabaho sa gobyerno.

-Czarina Nicole O. Ong