Kaagad na nagsumite kahapon si Department of Tourism (DoT) Assistant Secretary Frederick ‘Ricky’ Alegre ng kanyang courtesy resignation kay Pangulong Duterte, bilang pagtupad sa direktiba nitong Martes ng katatalagang si Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat.

Ayon kay Alegre, dahil sa ilang hindi inaasahang pangyayari ay nagdesisyon na siyang kaagad na maghain ng courtesy resignation.

Aniya, simula nang tanggapin niya ang posisyon noong Setyembre 5, 2016 ay buong puso niyang ginampanan ang kanyang tungkulin na isiulong ang larangan ng turismo sa bansa, at tumalima sa lahat ng kautusan ng Pangulo sa abot ng kanyang makakaya.

“I would be honored to give you and the new DoT Secretary, Berna Romulo-Puyat, a free hand to determine who would be allowed to continue to serve in the said department,” saad sa resignation letter ni Alegre.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa pulong balitaan nitong Martes makaraang manumpa sa tungkulin bilang bagong DoT secretary kapalit ni Wanda Tulfo-Teo, inatasan ni Puyat ang lahat ng undersecretary at assistant secretary ng kagawaran na magsumite ng kanilang courtesy resignation.

-Mary Ann Santiago