Ni Reggee Bonoan

ANG ganda ng panayam ni Boy Abunda kay Bea Alonzo na umere nitong Lunes sa Tonight With Boy Abunda. Diretsong sinagot ng dalaga na si Gerald Anderson ang gusto niyang makasama kung magugunaw na ang mundo.

“I’m serious although the question is not serious,” simula ni Kuya Boy, “if the world would end today who would it be that you want to spend the last day?”

“Siya (Gerald) siguro,” nakangiting sagot ni Bea.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Sa madaling sabi, kahit inamin ni Bea na nagkakalabuan sila ay nasa puso pa rin niya si Gerald at kailangan lang nilang mag-usap.

May mga tanong din si Kuya Boy na ang mga litrato ng naging leading man ni Bea ang magiging sagot.

Boy: “Name the leading man na ayaw mong makatrabaho noon?”

Bea: “There was a time, him (Gerald) kasi, di ba, Tito Boy, hurting ako noon (nang una silang maghiwalay).”

Boy: “Name the leading man na madalas makalimot ng linya?”

Bea: (Kinuha ang litrato ni Richard Gomez.) Siya, si Kuya Goms, senior moments ha-ha-ha.” May dagdag, “Ito (Paulo Avelino), nauuna pa ‘yung bulol bago ‘yung lines, nauuna ‘yung bulol saan ka nakakita no’n?”

Boy: “Name the leading man na sobrang bango.

Bea: (John Lloyd Cruz) Mabango siya parati.”

Boy: “Name the leading man na madalas mong kausap hanggang ngayon.

Bea: “Malamang siya (litrato ni Gerald).”

Boy: “Name the leading man na nakatampuhan mo noon.”

Bea: “Siya (Gerald), paulit-ulit!”

Boy: “Name the leading man na pinagselosan ng boyfriend mo noon.”

Bea: “Feeling ko lang, ha, pero hindi sure, tingin ko lang (litrato ni Paulo).”

Boy: “Name leading man na pinaka-sexy para sa ‘yo.

Bea: (Litrato ulit ni Gerald).

Boy: “Name ng leading man na gusto ng nanay mo para sa ‘yo.

Bea: “Puwedeng para sa kanya (mama) hindi para sa akin, (litrato ni Ian Veneracion). Para sa kanya ‘yun at saka si Kuya Goms.

Boy: “Name the leading man na may-ari ng puso mo ngayon.”

Bea: “Hmmm, ano ba ‘yan, pa-sweet pa ako dito (pabulong na sabi ng aktres). May-ari ng puso ko na hindi pa sa ngayon (litrato ni Gerald).”

Base sa mga naging sagot ni Bea, si Gerald pa rin ang laman ng puso’t isipan niya pero may kailangan pa silang ayusin.

“Okay naman kami, we’re talking, may pinagdadaanan kami, we’re talking. Marami pang inaayos, Tito Boy. Kanina pinag-uusapan natin bago pa may (TV) camera, it becomes a choice, it’s a choice. And I think it’s what I learned, ‘no! Habang tumatanda, it’s become a choice. Ang pinakaimportante ngayon ay hanggang saan mo paninindigan ‘yung choices mo. And I think in love, pain is inevitable till the moment you choose to fall in love is you choose to experience pain, and I think it all boils down to who you want to experience all of that for,” pahayag ni Bea.

Nabanggit din ni Bea sa unang bahagi ng panayam na mahirap makipag-commit.

“At feeling ko doon nago-grow ‘yung love. Ang love naman hindi lang puro saya, di ba? Kapag mas maraming pinagdaanan, mas strong ‘yung relationship. Kailangan paminsan-minsan mayroon kayong pinagdadaanan, may matutunan kayong all of those things na pinagdadaanan ninyo,” sabi ng aktres.

Tinanong din sa TWBA si Bea kung ano ang nakita niyang best qualities ni Gerald.

“He’s a very responsible man, he’s responsible pagdating sa pamilya niya, sa mga kaibigan niya, sa mga kasama niya,” diretsong sagot ng aktres.

Naihambing si Gerald kay Paulo, isa sa leading man ni Bea sa Kasal, na nagustuhan niya dahil hindi natatakot buksan kung ano ang nararamdaman bilang lalaki.

Unlike si Gerald, “Lalaking-lalaki na tipong he lets me talk about my feelings all the time and minsan lang siya magsasabi ng nararamdaman niya. But he communicates naman with me naman, he does. Baka sa ibang paraan, hindi sa salita.”

At bagamat hindi masyadong open si Gerald sa nararamdaman ay ito pa rin ang gustong makasama ni Bea sa buhay kapag naayos na nila ang problema nila.

Sa tingin namin, hindi sasayangin ng aktor ang tsansang ibinibigay sa kanya ng aktres na ‘dream girl’ niya.

Hmmm, habang sinu-shoot ba ni Bea ang pelikulang Kasal ay may problema na sila ni Gerald? Ang galing kasi ng hugot ng aktres sa mga eksena.

Mapapanood na simula ngayong araw ang Kasal sa direksiyon ni Ruel S. Bayani para sa pagsisimula ng 25 anniversary celebration ng Star Cinema.