Nina MARY ANN SANTIAGO at GENALYN KABILING, ulat nina Czarina Nicole O. Ongat Leonel M. Abasola

Tuluyan nang nagbitiw sa puwesto si Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo kaugnay ng kinakaharap niyang kontrobersiya sa P60-milyon ad placement ng Department of Tourism (DoT) sa kumpanya ng kanyang mga kapatid, ang Bitag Media Unlimited Inc. (BMU).

Sa pahayag ni Atty. Ferdinand Topacio, abogado ni Teo, sinabi niyang bago pa man ang Cabinet meeting sa Malacañang nitong Lunes ng gabi ay nagsumite na ang kanyang kliyente ng resignation letter.

Hapon pa lamang umano ay personal nang iniabot ni Teo ang liham kay Executive Secretary Salvador Medialdea, at pagkatapos ng pulong ay masinsinang kinauisap ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kalihim.

National

Super Typhoon Ofel, napanatili ang lakas habang nasa northeast ng Echague, Isabela

‘DI PINAG-RESIGN

“Her decision to leave her position was made after a long and deliberate reflection and soul-searching with respect to the events that have transpired the past few weeks,” bahagi ng pahayag ni Topacio. “We wish to clarify that there was NO demand made on the part of President for Secretary Teo to resign, and that the decision to do so was purely of her own volition.”

Patuloy pa r i n aniyang naninindigan si Teo na wala itong ginagawang iregularidad, at lahat ng mga transaksiyon ng DoT ay in good faith, dumaan sa mga legal na proseso, above-board at walang malisya.

“Secretary Teo also says that she is honored and privileged to have served as Secretary of Tourism under the Duterte Administration, where she has done her level best to discharge her duty to promote tourism both domestically and internationally,” sabi pa ni Topacio.

Matatandaang napagitna sa kontrobersiya si Teo makaraang ibunyag ng Commission on Audit (CoA) na naglagak ang DoT ng P60-milyon ad placement sa BMU ng mga kapatid niyang sina Ben at Erwin Tulfo.

Mariin naman itong pinabulaanan ni Teo at sinabing walang conflict of interest sa isyu, dahil ang pirmahan ng kontrata ay sa pagitan ng DoT at PTV-4.

Kinumpi rma na r in ng magkakapatid na Tulfo na magtulung-tulong silang isauli ang nasabing halaga upang linisin ang kanilang pangalan.

IMBESTIGASYON,

TULOY LANG

Samantala, sinabi ni Presidential Spokesman Harry Roque na bagamat tinanggap na ni Pangulong Duterte ang resignation ni Teo ay hindi mangangahulugang hindi na iimbestigahan ang kalihim sa usapin.

“Hinahayaan na ng Palasyo sa Ombudsman na mag-imbestiga para malaman kung may pananagutang kriminal pa si Secretary Teo. ‘Yan naman ang katungkulan talaga ng Ombudsman,” sinabi ni Roque sa press briefing kahapon. “Inaasahan namin ang mabilis at transparent na imbestigasyon ng Ombudsman.”

Kinumpirma naman kahapon ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na sinimulan na ng kanyang tanggapan ang pagsisiyasat sa nasabing maanomalyang ad placement ng DoT sa PTV-4.

“Yes, yes we’ve already done that,” ani Morales.

KUMPIRMASYON?

Magpapatuloy d i n ang imbestigasyon ng Senado sa isyu kahit pa hindi na si Teo ang kalihim ng DoT.

“Secretary Teo’s resignation only confirms the allegations of corruption against her. But regardless, the Senate investigation must push through because we must know the extent of corruption at the DoT under her watch,” sinabi kahapon ni Senator Antonio Trillanes IV. “Moreover, appropriate cases must be filed against her and those involved in the ad scam and other anomalies.”

Balak ni Trillanes na magsampa ng resolusyon, kahit pa may kaparehong resolusyon nang inihain si Senator Nancy Binay, chairperson ng Senate committee on tourism, upang siyasatin ang paraan ng paggastos ng DoT sa pondo nito sa marketing.