NAKIKISA ang Petron Corporation sa gaganaping FIA Sport Conference 2018 na itinataguyod ng Automobile Association Philippines (AAP) at Department of Tourism (DOT) sa Hunyo 4-6 sa Pasay City.
Kabuuang 245 national motoring and sports organization mula sa 143 bansa ang lalahok sa conference na kauna-unahang gagawin sa bansa at sanctioned ng FIA—Federation Internationale de l’Automobile — ang governing body ng apat na four-wheel motor sports sa mundo.
May temang “Empowering the Future: Unlocking Motor Sport’s Potential,” inaasahan ang pagdating sa bansa ng 500 international delegates na kakatawan sa iba’t ibang motor sport disciplines.
Ilalarga rin ang FIA Sport MotorEx, isang exhibit nang mga kumpanya ang stakeholders sa industriya ng motor sport.
Bilang nangungunang fuel company sa bansa, ipinahayag ng Petron Corporation ang kagalakan at karangalan na maging bahagi ng programa ng FIA at AAP na naglalayong mapalakas at mapatibay ang pagkakaisa sa motor sports.
Sa nakalipas na mga taon, naging bahagi ang Petron Corporation sa mga motor sports event tulad ng Toyota Vios Cup 2018, Flat Out Race Series, King of the Nations, ROK Grand Prix, Palawan Karting, Kalayaan Race, Philippine Loop, Outdoor Challenge of the Philippines, Safe Run, Petron Rally of Champions, at Philippine Motorcycle Racing Championship.
Sa region, umayuda rin ang Petron Corporation sa Formula 4 South East Asia championship, the Rain Forest Challenge Malaysia, X30 Karting Championships, at Asian Karting Championships.