Ni Jonas Reyes

OLONGAPO CITY - Nagbabala kahapon ang isang water utility company na magkakaroon ng kakapusan sa supply ng tubig sa Olongapo City.

Sa pahayag ng Subic Water, aabot sa 11 barangay ang apektado ng nasabing water crisis, kabilang ang New Cabalan, Old Cabalan, Kalaklan, Barretto, Banicain, Kababae, Ilalim, West Tapinac, East Tapinac, Kalalake, at Pag-asa.

Idinahilan ng kumpanya, hindi kaya ng water pump ang tuloy-tuloy nitong operasyon nito dahil naubos na ang tubig ng mga ilog at kinakailangan pang maghintay nang matagal upang mapunan ito.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Kapag bumalik na ang minimum level ng tubig sa mga ilog, maaari nang ituloy ang operasyon ng Binictican Plant, na nagsu-supply ng tubig sa 11 barangay ng lungsod, ayon pa sa kumpanya.