PNA

INIULAT ng Department of Tourism (DoT) nitong linggo na nakamit ng ahensiya ang target nitong dalawang milyong tourist arrivals para sa unang bahagi ng 2018.

Sa pinakabagong datos na inilabas ng DoT, umabot sa 2,049,094 ang bisita mula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig para sa unang bahagi ng taon, mas mataas ng 14.80 porsiyento kung ikukumpara sa 1,784,882 turista noong unang bahagi ng 2017.

Ayon kay DoT Secretary Wanda Tulfo-Teo, noong nakaraang taon ay apat na buwan o hanggang Abril ang kanilang hinintay upang makamit ng bansa ang 2 milyong dayuhang bisita.

Night Owl

Demokrasya: Haligi ng Pag-unlad at Pananagutan

“For the first quarter, it has been a tight contest between the Chinese and the Koreans. In fact, these two key markets, together with the Americans, already comprise more than half our tourist arrivals,” pahayag ni Teo.

Mula sa mahigit 86,000 agwat ng mga turista mula Korea at China na dumating noong Enero, naidikit ito ng huli sa 7,838 nitong Marso, base sa pagkukumpara kada buwan.

Ayon sa DoT, ang mga Chinese ang nananatiling fastest growing market ng turismo sa bansa na umabot sa 114, 549 ang bilang ng mga bumisita nitong Marso, na may 50.42 growth rate.

Ipinapakita sa unang bahagi ng taon na ang 371, 429 na Chinese ay dumidikit sa bilang ng mga Koreanong bumisita sa bansa na may 477, 087, para sa unang tatlong buwan ngayong taon.

Pumangatlo naman ang mga Amerikano, na may 284, 946; kasunod ang mga Hapon, 181,178; at ang Australia, 74,027.

Kabilang din sa nangungunang 12 bansa na bumibisita sa bansa ang Canada, 70,501; ang Taiwan, 59,877; United Kingdom, 56,521; Singapore, 44,398; Malaysia, 37,090; Hong Kong, 36,777; at India, 32,999.

“Our target for the Chinese arrivals this year remains at 1.5 million as we strive for more quality tourists who spend more in the country,” ani Teo.