Ni Gilbert Espeña

MULING magbabalik sa ibabaw ng lona ang walang talong knockout artist na si Kevin Jake Cataraja laban kay Frengky Rohi ng Indonesia sa ‘IDOL 3’ boxing event ng ALA Promotions sa Hunyo 16 sa Tabuelan, Cebu Province.

Hindi nakapag-concentrate sa boksing si Cataraja na dating amateur boxer ng Pilipinas pero ngayong nakatapos na siya ng BS Criminology degree sa University of the Visayas ay nangako siyang tutuparin ang kanyang pangarap na maging kampeong pandaigdig.

“I was not focused on boxing 100% before because of my studies,” sabi ni Cataraja na lumalaban sa super flyweight sa taga-media na dumalo sa kanyang press conference sa Park Social restobar sa Cebu City kamakailan. “But now I look forward to develop my boxing career further and aim to fight the best fighters in my division.”

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

“I am inspired to fight in front of my relatives and friends,” sabi ni Catajara na malaki ang paghanga sa mga idolo niyang sina dating world champions Manny Pacquiao, Nonito Donaire at Donnie Nietes.

May rekord si Cataraja na perpektong 7 panalo, 6 sa pamamagitan ng knockouts at sasagupa kay Rohi sa 10 rounds super flyweight non-title bout.

Sa undercard ng sagupaan, kakasa ang isa pang ALA Gym fighter na wala ring talong si Christian Bacolod laban sa mas beteranong si Ronnie Tanallon.