DUMATING na sa bansa ang mga matitikas na international players na pawang naghahangad ng titulo at tournament points sa pagpalo ng FIVB Beach Volleyball World Tour Manila Open ngayon sa The Sands SM By The Bay.

Nakatuon ang pansin kay Michelle Amarilla ng Paraguay na nakipagtambalan kay Gabriela Filippo nang sumabak sa matikas na tambalan nina April Ross at Kerri Walsh Jennings ng United States sa 2015 Beach Volleyball World Championships.

May kabuuang 16 teams ang maglalaban sa women’s class.

Tangan ang pinakamataas ng ranking points, asabak si Amarilla kasama si Erika Bobadilla sa torneo na isasagawa sa kauna-unahang pagkakataon sa bansa.

Goodbye PBA? John Amores, tinanggalan na ng professional license!

Target ng Paraguayans na makabawi sa Manila mula sa masaklap na kampanya sa FIVB Beach Volleyball World Tour Malaysia Open semifinals sa Langkawi nitong Linggo.

Sasabak din si Ayumi Kusano, naglaro sa Japan para sa kampeonato sa Spike for Peace beach volleyball crown noong 2015 sa Philsports Arena kasama si Akiko Hasegawa, katambal ang bagong kasangga na si Takemi Nishibori.

Pakakaabangan din ang tambalan nina Katja Stam at Julia Wouters ng Neatherland, nabigo kina Russia’s Ksenia Dabizha at Daria Mastikova sa women’s gold medal match sa Malaysia Open kamakailan, para sa US$10,000, one-star tournament na inorganisa ng Beach Volleyball Republic.

Panlaban ng bansa sina high-flying University of Santo Tomas standout Sisi Rondina at Dzi Gervacio, gayundin sina Charo Soriano at Bea Tan, two-time BVR national champions Karen Quilario at Lot Catubag, at wildcard entries na sinaDM Demontaño at Jackie Estoquia.

Sasabak naman sina BVR national champions Jade Becaldo at Calvin Sarte, gayundin sina Kevin Juban at Raphy Abanto sa men’s class.